I.
Bebe ko,
sumulat ka naman,
ako ay pagmasdan
patuloy mo ako na titigan.
Bakit ba?
Sa isip ko'y ikaw
laging naroroon
kahit wala ka ay natatanaw.
Chorus:
Bebe-bebe ko,
sa panaginip ay ako,
kasama mo palagi at kamay ko'y hawak-hawak mo.
Bebe-bebe ko,
sana ay magkatotoo
pag naiisip ka kinikilig ako.
II.
Bebe ko,
kapag kausap ka,
nanlalamig ako.
Bakit nadarama ay ganito?
Hay nako
bakit ba kay gulo?
Palaging may kaba
ang puso't isip ko'y nalilito.
(Repeat Chorus)
Bridge:
Sarili ang kausap at di maintindihan,
ano na ba itong aking nararamdaman?
Bakit pag nandiyan kana damdamin ko'y di malaman?
Oh please naman puso ay tulungan..
(Repeat Chorus)
Last:
Bebe Ko.. Bebe ko...
Sign up here with your email
ConversionConversion EmoticonEmoticon